Ugnayang pang depensa sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pinagtibay sa pulong ng 2 bansa

Ugnayang pang depensa sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pinagtibay sa pulong ng 2 bansa

KASUNOD ng pagbisita sa bansa ni Japan’s Defense Minister Nakati Gen sa Pilipinas, tiniyak nito ang mas malalim pa na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa usapin ng depensa.

Sa isang mahalagang pulong, inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa bansa Japan sa larangan ng Air Defense, Capacity Building at Regional initiatives.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Teodoro na ang pagbisita ng Defense Minister ng Japan ay walang kaugnayan sa Reciprocal Access Agreement na niratipakahan sa Pilipinas.

Sa ilalim ng kasunduan inaasahan ang mga gagawing pagsasanay ng mga tropa ng Pilipinas at Japan.

Nauna nang bumisita si Nakati sa ilang base militar sa Luzon at inspeksiyon sa Radar System ng Pilipinas na binili mula sa Japan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter