Unang bahagi ng BINI docuseries pasok sa shortlist ng 2025 New York Festivals

Unang bahagi ng BINI docuseries pasok sa shortlist ng 2025 New York Festivals

NAPABILANG sa shortlist ng 2025 New York Festivals TV & Film Awards ang unang bahagi ng docuseries ng BINI na pinamagatang ‘BINI Chapter 1: Born to Win’.

Sa ilalim ito ng Best Documentary – Biography and Profiles category.
Isang milestone na naman ito para sa grupo, lalo na’t kamakailan lang ay nagkaroon sila ng breakthrough nang maabot ng kanilang music ang one billion all-time streams sa Spotify.

Sentro ng ‘BINI Chapter 1: Born to Win’ ang kwento ng grupo sa huling mga araw bago ang kanilang Biniverse o ang tatlong gabing debut performance nila sa New Frontier Theater noong Hunyo 28 hanggang 30, 2024.

Kasama rin sa Chapter 1 ng docuseries ang kanilang auditions, mga pagsubok sa panahon ng pandemya, maging ang mga personal na hamon tulad ng mental health struggles at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble