Undersecretaries, Assistant Secretaries at Directors ng DOTr, isusumite ang kanilang courtesy resignation ngayong araw

Undersecretaries, Assistant Secretaries at Directors ng DOTr, isusumite ang kanilang courtesy resignation ngayong araw

ISUSUMITE ngayong araw ng mga incumbent Undersecretaries, Assistant Secretaries at Directors ng Transportation Department ang kanilang ‘courtesy resignation’ ngayong araw, Pebrero 26.

Ito ang kinumpirma ni Road Transport and Infrastructure Undersecretary Jesus Ferdinand ‘Andy’ Ortega sa isang text sa SMNI News.

Sabi ni Ortega alinsunod ito sa inilabas na memorandum order ng bagong talagang Tranportation Secretary na si Vince Dizon na dating COVID-19 Testing Czar at BCDA President sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Pero, nilinaw ni Dizon tanging mga Usec, Asec, at Director lamang ng DOTr Central ang kanyang pinaalis na sa puwesto at hindi kasama ang mga attached agency ng ahensya.

Layunin daw nya na bigyan siya ng kalayaang mamimili ng mga kasama para magampanan ang mandatong ipinagkaloob ni Marcos.

Sa ngayon, may inisyal na 7 pangalan ng inirekomenda si Dizon sa Palasyo upang humalili sa mga bakanteng puwesto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble