NA-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 98 Chinese nationals matapos mahuli na nagtatrabaho sa isang ilegal na POGO company.
Sinabi ng Bureau of Immigration ang mga deportado ay sakay sa isang chartered flight ng Philippine Airlines patungong Xi’an, China Martes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1.
Kinumpirma ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa 91 Chinese nationals ang bahagi ng 450 indibidwal na naaresto noong Enero 8 sa isang commercial building sa Parañaque City, habang ang pitong iba pa ay mula sa detention facility ng BI sa Bicutan, Taguig.
Sabi din ni Viado na ang chartered flight ay inayos ng Chinese Embassy bilang bahagi ng kanilang pinagsamang pagsisikap upang mapabilis ang pag-alis ng mga dayuhang sangkot sa mga ilegal na aktibidad ng POGO.
Bukod dito, 10 Vietnamese nationals ang na-deport din sa parehong petsa sa pamamagitan ng NAIA Terminal 1.
Mula noong Enero, nakahuli na ang BI ng mahigit 500 foreign nationals na iligal na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGO sa magkakahiwalay na operasyon sa Parañaque, Cavite, at Pasay City.
Sa bilang na ito, 226 na ang na-deport simula Enero a-uno ngayong taon.
