USAID planong buwagin ng Trump administration

USAID planong buwagin ng Trump administration

PLANO ng Trump administration na buwagin ang US Agency for International Development (USAID).

Sa isang pahayag, sinabi ni US President Donald Trump na ang pagpapasara nito ay dapat ginawa noon pa.

Aniya, ang ginagastos ng USAID sa ibang bansa ay hindi sapat na katumbas ng buwis na binabayaran ng mga Amerikanong taxpayer.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagpasara si Trump ng isang organisasyon o programa na may malaking overseas spending.

Ang USAID ay isang ahensiya sa Estados Unidos na responsable sa pagbibigay ng tulong pangkaunlaran sa iba’t ibang bansa.

Layunin nito ang itaguyod at bawasan ang kahirapan, palakasin ang demokrasya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, at iba pang sektor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble