IPINAALALA ni Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na ipagpapatuloy nito ang pagiging matatag upang tuluyang makabangon mula sa pandemya ngayong 2023.
Ito ang naging mensahe ng pangalawang pangulo sa unang araw ng taong 2023.
Aniya, ang bagong taon ay simbolo rin sa panibagong mga hamon subalit likas naman sa mga Pilipino ang pagiging resilient.
Maliban pa dito, umaasa rin si VP Sara na magkaroon ang bansa ng mas magandang nation-building efforts ngayong 2023.
It’oy para mas mapaunlad pa ang buhay ng bawat Pilipino.