World Balance, sinampahan ng bilyun-bilyong pisong tax evasion sa DOJ

World Balance, sinampahan ng bilyun-bilyong pisong tax evasion sa DOJ

SINAMPAHAN ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sikat na kompanya ng mga sapatos at sandals na World Balance.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, aabot sa P18-B ang nawala sa gobyerno mula sa tatlong kompanya na kanilang inireklamo kabilang ang World Balance at dalawang kompanyang pagawaan ng mga bakal.

Naniniwala naman si Lumagui na sindikato ang nasa likod ng pagbili at pagbebenta ng mga pekeng resibo dahil ang may-ari ng World Balance na pamilya Chiong ang nasa likod din ng paggawa ng mga nasabing pekeng resibo.

Tiniyak naman ng BIR na simula pa lang ito ng irereklamo nilang mga kompanya na may kinalaman sa pekeng resibo dahil sa kanilang pagtaya ay libong mga negosyo ang gumagamit nito, kung saan aabot aniya sa P500-B ang nawawala o nadadaya sa kaban ng bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter