AYON kay former President Rodrigo Roa Duterte, ang mga ibinibigay na tulong ng mga politiko, maging sila ay milyonaryo o mahirap, ay hindi kanilang pera. Sa halip, ito ay pera ng bayan na kanilang kinukupit o ninanakaw.
“’Yang binibigay ng mga politiko, milyonaryo man o mahirap, hindi nila pera ‘yan. It’s your money, ninanakaw nila ‘yan. ‘Yung iba naman kagaya ng Kongreso ngayon, parang mauubos talaga ang pera ng Pilipinas.”
“Parang tubig ‘yung paggastos nila. Uncontrolled use of money. Wala nang value basta imprenta na lang. Kunin ninyo ‘yung pera. Gastusin ninyo ‘yan. Pera, ayuda, ‘wag kayong magkakaroon ng utang na loob. Pera ninyo ‘yan. Nilalaro lang tayo. Tanggapin ninyo iyan. Sabihin niyo, dagdagan pa ninyo kasi ‘yung pagod namin pagka-Pilipino, kulang ito,” pahayag ni Former President Rodrigo Roa Duterte.