5 indibidwal, naaresto ng PDEA sa isang drug den sa Nueva Ecija

5 indibidwal, naaresto ng PDEA sa isang drug den sa Nueva Ecija

NAARESTO ang 5 indibidwal sa pinagkukutahang drug den sa Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa P103-K halaga ng shabu kasunod ng buy-bust operation nitong Abril 23, 2024.

Sa report ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, kay Dir. Gen. Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina:

Joseph Malarulat y Gunsay alyas Hogan, 30, Eric Malarulat y Gunsay alyas Baluga, 28, William Custodio Ordoñez, 37, June Malarulat Gunsay, 40, at Christopher Tumibay Gunsay, 29, sila ay kapwa residente ng Brgy. Pinuno, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Tinatayang 15 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng PDEA na nagkakahalaga ng P103,000; samu’t saring paraphernalia at buy-bust money.

Pansamantalang nakakulong na ang mga naarestong suspek sa PDEA RO III Jail Facility.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble