Inaresto sa San Jose del Monte, Bulacan ang dalawang magulang matapos ibenta ang kanilang 12-araw na sanggol na babae.
Ayon sa National Authority for Child Care, nais ng mga magulang na pondohan ang balak nilang negosyo sa pagtitinda ng street food dahilan upang ibenta ang sanggol.
Ikinulong na ang mga magulang matapos nilang tanggapin ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P27,500.
Sinailalim na rin sa medical assessment ang sanggol at agad na inilipat sa pangangalaga ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.
Samantala, ang mga naarestong suspek ay dinala sa kustodiya ng pulisya at haharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9208 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act; at Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
