Grand Christmas Library, nagbukas ng libreng reading nook

Grand Christmas Library, nagbukas ng libreng reading nook

Isa sa mga unang tampok ngayong Kapaskuhan ang “The Grand Christmas Library” ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino, isang Christmas attraction na pinagsasama ang mga dekorasyong pamasko, pagbabasa, at pagbabahagi ng mga aklat sa pakikipagtulungan sa Lost Books Cebu, upang mahikayat ang publiko na muling yakapin ang pagbabasa at makatulong sa mga bata.

Sa ilalim ng makukulay na Christmas decorations at malaking Christmas tree, tampok ang isang reading nook na bukas sa mga bata, magulang, at hotel guests na nais magbasa ng iba’t ibang aklat nang libre.

 “Tonight, we invite you to step a place where Christmas is more than just a celebration. It is a collection of stories, memories, traditions, and moments that bring us closer together. Welcome to the Grand Christmas Library. We choose this theme because, much like good books, Christmas has a beautiful story to tell. Every page reminds us of the things that truly matters: family, love, generosity, gratitude, and the joy of sharing meaningful moments with one another,” ayon kay Ali Banting – General Manager, Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Ayon kay Donald Villamero, founder ng Lost Books Cebu, bukas ang reading nook araw-araw, mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga at alas-2 hanggang alas-5 ng hapon, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bisita na mag-enjoy sa pagbabasa.

“Essentially, all the guests, anyone, the children, the parents, the guardians, can come in and read. So we have different books offered to everyone, and yeah, they can just go come in. I love that we we were so grateful that Waterfront is opening their space for literature, and so that for anyone can just come and read again,” wika ni Donald Villamero – Founder, Lost Books Cebu.

Tuwing Biyernes naman, mula 1PM–7PM, may pop-up book market kung saan mabibili ang iba’t ibang aklat, kabilang ang mga gawa ng lokal na awtor mula Cebu, Visayas at iba pang bahagi ng bansa.

Hindi lamang pagbabasa at pagbili ng libro ang tampok sa proyekto, dahil may book donation drive din para sa mga bata ng SOS Children’s Village, na siyang benepisyaryo ng inisyatiba.

Hinihikayat ang publiko na mag-donate ng mga aklat upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at paglinang ng hilig sa pagbabasa ng mga bata.

“As we begin this wonderful season, may we all find time to pause, appreciate our blessings, reconnect with loved ones, and share kindness whenever we go. Ladies and gentlemen, let us turn the page and begin another beautiful Christmas story together,” dagdag ni Banting.

Bukod sa Grand Christmas Library, nagpapatuloy rin ang Lost Books Cebu sa kanilang buwanang mobile library na bumibisita sa iba’t ibang komunidad, lalo na sa mga lugar na limitado ang access sa mga babasahin.

Inaanyayahan ang mga Cebuano na bisitahin ang Grand Christmas Library, mag-enjoy sa libreng reading nook, suportahan ang book market, at makiisa sa book donation drive.

Sa pamamagitan ng mga aklat at kuwentong ibinabahagi, hangad ng Grand Christmas Library na gawing mas makahulugan ang Kapaskuhan, hindi lamang sa pamamagitan ng dekorasyon at regalo, kundi sa pagbibigay ng kaalaman, inspirasyon, at pag-asa sa mga bata.

Follow SMNI NEWS in Twitter