240 na mga pulis, isasalang sa ‘Revitalized-Pulis sa Barangay’ course

240 na mga pulis, isasalang sa ‘Revitalized-Pulis sa Barangay’ course

ISASALANG sa ‘Revitalized-Pulis sa Barangay’ course ang 240 na mga pulis.

Sa ilalim ng ‘Revitalized-Pulis sa Barangay’ course ay tuturuan at sasanayin ang mga pulis na maging kabahagi sa mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad sa bansa.

Isa na rito ang pinaigting na police visibility upang tiyaking ligtas ang mga mamamayan sa iba’t ibang elemento ng kriminalidad.

Hinimok mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Edgar Allan Okubo ang mga partisipante na ibigay ang pinakamahusay na serbisyo para mas mailapit ang programa ng kapulisan sa ilalim naman ng peace and security framework ng PNP na MKK+K program.

Tiniyak ng NCRPO ang kaligtasan ng mga mamumuhunan, mamamayan at mga mag-aaral sa Metro Manila oras na matapos na ang mga pagsasanay na ito ng Philippine National Police (PNP).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter