ARESTADO ang 3 Most Wanted Person ng Central Luzon bunga ng magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad nitong Nobyembre 5 at 6, 2024.
Kinabibilangan ito nina Emil Gerald Garcia, 41-anyos, Top 2 Provincial Most Wanted ng Pampanga na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591.
Nobyembre 6 naman nang mahuli ang top 10 Most Wanted Person ng Nueva Ecija na kinilalang si Jayson delos Santos na nahaharap sa kasong murder
Habang nahuli naman ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest ang No. 7 Most Wanted Person ng Region 3 sa kasong statutory rape at rape na kinilalang si Mark Pecana.
Pinuri naman ni PRO3 Regional Director Redricco Maranan ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa 3 suspek ng rehiyon.
“Ang epektibong pagtutulungan ng kapulisan at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasama ng ating mga mamamayan ay nagreresulta ng pagsasawata sa mga kriminal at mga taong pinaghahanap ng batas,” dagdag ni PBGen. Maranan.