KUMPIRMADONG kinilala ng Degamo Special Investigation Task Group ang tatlong suspek na naaresto ng mga awtoridad sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang biktima.
Ayon sa Degamo SITG, sina Cpl. Benjie Rodriguez 800656 (INFA) PA, Sgt. Joric Garrido Labrador 799472 (MI) PA at Sgt. Joven Calibjo Javier 833503 (INF) PA ay mga dating enlisted personnel ng Philippine Army.
Pawang may mga rekord ito ng Absence Without Leave (AWOL).
Napag-alaman din na isa sa tatlo ay dating miyembro ng Special Operations Unit ng Phil. Army Light Reaction Regiment ng Philippine Army sa katauhan ni Sgt. Joven Calibjo Javier.
Patuloy ang pakikipag ugnayan ng mga awtoridad sa ikadarakip ng iba pang mga salarin sa pagpatay sa gobernador.