500-k dayuhang manggagawa, inaasahang papasok sa Malaysia –HR minister

500-k dayuhang manggagawa, inaasahang papasok sa Malaysia –HR minister

INAASAHAN ng Malaysia ang 500-k dayuhang manggagawa na papasok sa Malaysia, upang ilagay sa labor sector na ang kakulangan ay lubhang nakaapekto sa bansa.

Nilinaw ni Human Resources Minister V. Sivakumar na ang mga dayuhang manggagawa na papasok sa Malaysia ngayong taon ay hindi makakaapekto sa oportunidad para sa mga lokal na manggagawa.

Nauna nang inanusyo ang pagkuha ng mga dayuhang manggagawa mula sa 15 bansa upang ilagay sa ilang sektor tulad ng labor sector partikular na sa dirty, dangerous at difficult o 3D na trabaho.

Aniya, ilalagay rin ang mga ito sa plantasyon, agrikultura at konstruksyon.

Ayon pa rito, nasa 700 libong dayuhang manggagawa ang bumalik sa kani-kanilang bansa noong panahon ng pandemya na lubhang nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa nito, maraming mga negosyo ang magsasara dahil sa kakulangan ng manpower para sa mga sektor na ito.

Matatandaang nagkaroon ng kasunduan ang Human Resources Ministry at Home Affairs Ministry para pabilisin ang pagkuha ng mga dayuhang manggagawa.

Follow SMNI NEWS in Twitter