Nahukay ng mga tropa ng Philippine Army ang abandonadong armas sa Barangay San Isidro, Marihatag sa Surigao del Sur, nitong Marso 28.
Nahukay mula sa lugar ang M16 at M14 rifles, kabilang ang isang spare barrel para sa M60 machine gun.
Pinangunahan ang operasyon ng 75th Infantry Battalion, katuwang ang 1st Civil-Military Operations Company, sa ilalim ng 401st Infantry Brigade.
Nanawagan naman ang Philippine Army sa mga natitira pang rebelde na sumuko at talikuran ang armadong pakikibaka at samantalahin ang mga programang pangkabuhayan at pang-edukasyon ng gobyerno.
