ISINAPINAL na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang national action plan nito para tugunan ang posibleng epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Director Edgar Posadas, kabilang din sa isasapinal ang pondong kinakailangan para sa mga programa na ipatutupad para mapagaan ang epekto ng El Niño.
Isinagawa ang pulong ng El Niño Team noong Miyerkules, Hulyo 19, kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ani Posadas, sa naturang pagpupulong ay nagsagawa ng diskusyon ang iba’t ibang sektor ay tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Water Security, Department of Agriculture para sa Food Security, Energy Security ng Department of Energy, Department of Health para sa health at ang Public Safety ng Department of Interior and Local Government.
Matatandaan na batay sa anunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng magtatagal hanggang sa unang quarter ng taong 2024 ang kasalukuyang nararanasang El Niño.