SINIMULAN na ng Alphabet, ang parent company ng Google ang paggamit ng dalawang panibagong artificial intelligence- powered features.
Ito’y para matulungan ang mga advertiser na awtomatikong makahanap ng pinakamagandang ad placements.
Hindi na anila mahihirapan pa ang advertisers mag-isip kung saan bagay ilalagay ang kanilang mga produkto para maraming maabot.
Sa isinagawang testing bago ang launching, nadiskubre na hanggang 40% ang contribution ng AI features para maparami ang maabot ng isang ad.