BAGAMA’T matagal nang partner ng DYAR 765 Cebu ang Air Mobility Command ng Philippine Air Force na nakabase sa Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City sa ilang taon, ngayon lang naging pormal ang partnership ng dalawang panig sa pamamagitan ng pagpirma sa isang memorandum of understanding nitong nakaraang Lunes, Disyembre 4, 2023.
Ang naturang seremonya ay personal na dinaluhan ni Major General Joannis Leonardi Dimaano, Commander ng Air Mobility Command.
“Eto ‘yung magiging behikulo kung saan, sa kagandahang loob ng DYAR magagamit natin ang inyong pasilidad para maipaabot sa ating mga kababayan kung anuman ‘yung mga programa hindi lamang ‘yung Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, hindi lamang ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas kundi programa ng buong ahensiya ng ating gobyerno para makarating ito sa kalibliban mang lugar at makaabot sa ating mga kababayan na ito pala ang mga programa ng ating gobyerno na ating papakinabangan na makakatulong sa ating pang araw-araw na kabuhayan,” pahayag ni MGen. Joannis Leonardi Dimaano, Commander, Air Mobility Command.
Ani Dimaano, patuloy ang serbisyong iginagawad ng Air Mobility Unit sa boung Visayas.
“Sa mga nagdaang taon, naging effective naman po ang pagganap ng Inyong Air Mobility Command na sa amin pong mandato sa pag provide ng kinakailangang airlift transport ng ating mga kababayan at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” dagdag ni Dimaano.
Binigyang-din ng heneral ang kahalagahan ng information dissemination para mapaabot sa mga malalayong lugar ang mga programa ng pamahalaan gamit ang radyo ng DYAR 765 Sonshine Radio Cebu.
“Ang information dissemination po ay napakahalaga, nabanggit ko nga po kanina na ‘yung ating mga kababayan na nasa liblib na lugar. Kailangan po makita nila, malaman nila kung ano ang ginagawa ng ating gobyerno para sa kanila. Kung ano ang ginagawa ng Air Mobility Command para sa kanila, kagaya nga po nabanggit ko kanina na sa panahon ng sakuna ang atin pong mga air asset na tinawatag, eroplano at helicopter, patuloy po ‘yan sa pag antabay sa ating mga kababayan sa paghahatid ng tulong, sa paghahatid ng mga relief goods sa oras ng sakuna, andito po kami sa Air Mobility Command,” ani Dimaano.
Sa panahon ngayong laganap ang mga propaganda ng mga makakaliwang grupo laban sa pamahalaan gamit ang mga fake news at fake information, katuwang ng Air Mobility Unit ang SMNI at DYAR 765 Sonshine Radio Cebu para labanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapaabot sa ating mga kababayan ng mga programa ng pamahalaan upang tuluyan nang mawakasan ang teroristang grupo na CCP-NPA-NDF.
