AirAsia Super App para sa contactless na pagbibiyahe, pinasinayaan

AirAsia Super App para sa contactless na pagbibiyahe, pinasinayaan

MAGIGING hassle free na sa mga pasahero ng Air Asia ang pag-check in kapag sila ay magbibiyahe gamit lamang ang AirAsia Super App.

Pormal na inilunsad ng Air Asia Philippines ang AirAsia Super App na isang world first facial recognition technology na kauna-unahang mayroon lamang ito sa naturang airlines.

Ang naturang app ay nakatutulong hindi lamang ganap na digital at contactless para sa manlalakbay kundi ginawa ito para sa kaginhawaan, seguridad at kaligtasan ng mga mananakay lalo na ngayon na patuloy pa rin ang banta ng pandemya

Sa pamamagitan ng AirAsia Super App, maaari nang i-scan ng isang pasahero ang kanilang mga travel documents at kikilalanin din ng app ang mukha ng isang pasahero.

Kailangan lang munang mag-down load sa isang Android o IOS phone ng AirAsia Super App upang mag register sa tinatawag na faces.

Susunod na hakbang sa app na ito ay maari na ring i-scan ang passport o iba pang travel requirements ng isang pasahero pero tiyakin na hindi ito expired.

Dahil hindi ito tatangapin ng app kung hindi na balido ang passport ng isang pasahero.

Ayon kay Ricky Isla, CEO ng Air Asia, layunin ng naturang app na magamit hindi lamang sa mga travel requirements ng isang pasahero kundi ng iba pang services.

Malaking tulong ang nasabing app dahil hindi na kailangan pa ng isang pasahero na magpakita ng kung ano pang dokumento sa check in counter.

SMNI NEWS