NATALO ang Alas Pilipinas kontra Kazakhstan sa kanilang naging laro nitong Martes, Mayo 28, 2024.
Sa score card, 23-25, 21-25, 14-25 ang tally pabor sa Kazakhstan.
Dahil sa pagkatalong ito, maglalaban ang Pilipinas at Australia ngayong araw, Mayo 29 para sa 3rd place ng nagpapatuloy na 2024 AVC Women’s Challenge Cup.
Nagsimula ang 2024 AVC Women’s Challenge Cup noong Mayo 22 at magtatapos ito ngayong araw.