Atty. Roque, naniniwalang isang magaling na kalihim pa rin si Frasco

Atty. Roque, naniniwalang isang magaling na kalihim pa rin si Frasco

NANINIWALANG isang magaling na kalihim pa rin si Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco ayon kay Atty. Harry Roque.

Naniniwala si dating Presidential spokesperson Atty. Roque na nananatiling pinamakagaling na kalihim si Department of Tourism Sec. Frasco.

Ito’y sa kabila ng kinakaharap na isyu ng pinamumunuang ahensiya hinggil sa inilunsad na pinakabagong Tourism campaign slogan.

Dagdag pa ni Roque, mas mainam na repasuhin ang buong konsepto ng bagong Tourism slogan at posible rin aniyang sisibakin na ng DOT ang DDB Philippines at hindi na bayaran pa.

Samantala, ayon pa kay Roque, kung panloloko ang campaign video na ginawa ng DDB Philippines, may katotohanan ito dahil mas maganda nga naman talaga ang bansa kumpara sa anumang footage na umano’y ninakaw mula sa ibang campaign ads.

Matatandaan na ang isyu na kinakaharap ng DOT sa kasalukuyan ay ang paggamit ng tourism footages mula sa ibang bansa na pinagtagpi-tagpi para mabuo ang campaign video ng bagong slogan na “Love the Philippines”.

Sa panig ng DOT, humingi na ito ng paumanhin hinggil sa isyu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter