Bagong DOH chief, nagpatupad ng mga pagbabago sa pamunuan 

Bagong DOH chief, nagpatupad ng mga pagbabago sa pamunuan 

Nagpatupad ng leadership realignment ang bagong Acting Health Secretary na si Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. upang masiguro ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), saklaw ng interim assignments ang Central Office, mga Centers for Health Development, at ilang operating units upang mapalakas ang koordinasyon ng ahensiya.

Tiniyak din ng DOH na mananatiling tuloy-tuloy ang operasyon ng mga tanggapan, ospital, attached agencies, at specialty centers habang isinasagawa ang transisyon.

Si Pujalte ay itinalaga bilang Acting Health Secretary matapos magbitiw sa puwesto si dating Health Secretary Teodoro Herbosa dahil sa kalusugan.

Follow SMNI NEWS in Twitter