Bagong urgent care and ambulatory service’ centers, dadagdagan sa susunod na 3 taon

Bagong urgent care and ambulatory service’ centers, dadagdagan sa susunod na 3 taon

MAGTATAYO pa ng maraming ‘bagong urgent care and ambulatory service’ (BUCAS) centers sa iba’t ibang panig ng bansa sa susunod na tatlong taon.

Uunahin dito ang mga komunidad na kulang sa pasilidad pangkalusugan.

Ang mga center na ito ay nagbibigay ng libreng check-up, X-ray, laboratory tests, at iba pa.

Nag-aalok din ito ng agarang outpatient services nang hindi na kailangang ma-confine sa ospital.

Sa kasalukuyan ay nasa 53 na ang BUCAS centers sa 32 lalawigan sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News