Balanse na Senate Blue Ribbon Committee sa 19th Congress pangako ni Senator Francis Tolentino

Balanse na Senate Blue Ribbon Committee sa 19th Congress pangako ni Senator Francis Tolentino

KAHIT wala pang pinal na usapan para sa Senate Blue Ribbon Chairmanship, pangako ni Senator Francis Tolentino na timebound at balanse na Blue Ribbon Committee ang makikita ng publiko sa papasok na Senado.

Pero una nang sinabi ni presumptive Senate President Sen. Francis Tolentino ang maaring hahawak nito.

Sa eksklusibong panayam sa senador kagabi sa Nightline News, nangako ito na magiging balanse at transparent ang pagdinig na gagawin ng komite.

Mahalaga rin daw na alam ng komite kung kelan dapat matapos ang pagdinig.

“Rest assured that one first, we respect for the mental rights of the invited, will ensure the proceedings. Within the time frame or committee,” ayon kay Sen. Tolentino.

Isa sa mga pinag-iisipan ni Tolentino ay pagkakaroon ng additional stage sa kanilang gagawing imbestigasyon kung saan kailangan muna madetermina ng mga miyembro kung ang partikular na isyu ay kailangang umusad o gumulong sa komite.

Maganda rin aniya na magkaroon ng sub-committee ang Blue Ribbon kung gagawa ng pagdinig para ang lahat ng mga kailangang resource person ay pantay na mabibigyan ng pagkakataon na agad makapagsalita.

Matatandaan na naging reklamo noon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Blue Ribbon ay ang matagal na pagkakatengga ng mga government officials sa pagdinig pero hindi nabibigyan ng pagkakataon na matanong.

Pinabulaanan naman ni Tolentino na wala silang naihain na panukalang batas kasunod ng pagdinig sa Blue Ribbon hinggil sa Pharmally.

Anito sa kaniyang bahagi ay nakapaghain siya ng anim na panukala na may kinalaman sa procurement law, ang pagbabago sa local government code at ilang bahagi ng civil service law.

Matatandaan naman na hindi nagkaroon ng konklusyon ang ginawang imbestigasyon ng Blue Ribbon hinggil sa pandemic deals dahil hindi pumirma ang karamihan sa mga miyembro ng Blue Ribbon.

Follow SMNI NEWS in Twitter