SUPORTADO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng liderato ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr.
Ito ang tiniyak ni BCDA chairman Delfin Lorenzana bilang suporta sa pamumuno ni Brawner sa Sandatahang Lakas.
Ayon kay Lorenzana, naniniwala siya sa mahusay na pamumuno at sa propesyonalismo ni Brawner na mapanatiling matatag na organisasyon ang AFP.
Kumpiyansa rin aniya ang BCDA na maipatutupad ni Brawner ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na modernisasyon sa militar.
Mula nang itatag ang BCDA, umabot na sa P59.71-B ang kontribusyon nito sa AFP.
