Bilang ng mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay ng MRT-3, umabot na sa higit 6.6 milyon

Bilang ng mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay ng MRT-3, umabot na sa higit 6.6 milyon

PUMALO na sa kabuuang 6,603,458 ang bilang ng mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay ng MRT-3 mula Marso 28 hanggang Abril 24, 2022.

Ayon sa MRT-3 management, nakapagtala ng 1,934,424 na pasahero ang MRT-3 sa unang linggo ng libreng sakay mula Marso 28 hanggang Abril 3.

Umabot naman sa 2,666,030 ang mga pasaherong napagsilbihan ng linya sa ikalawang linggo ng programa mula Abril 4 hanggang Abril 12.

Sa ikatlong linggo ng libreng sakay mula Abril 18 hanggang 24 kung kailan nagbalik-operasyon ang linya mula sa Holy Week maintenance shutdown, nasa 2,003,004 ang mga pasaherong nakalibre ng pamasahe sa MRT-3.

Nasa huling linggo na ngayon ang programang Libreng Sakay ng MRT-3, na magtatagal na lamang hanggang sa Sabado, Abril 30, 2022.

BASAHIN: Mga pasahero na nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3, umabot na sa higit 2.6M

Follow SMNI News on Twitter