Bilang ng mga Pilipinong positibong bubuti ang ekonomiya ng bansa, umabot sa 48%—SWS

Bilang ng mga Pilipinong positibong bubuti ang ekonomiya ng bansa, umabot sa 48%—SWS

HALOS 50 porsiyento ng mga Filipino ay positibo na bubuti ang ekonomiya ng bansa ngayong 2023.

Habang 33% ang naniniwalang walang magbabago, at 9% naman dito ang nagsabi na mas sasama pa ito.

Ito ay base sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) survey noong December 10 – 14 na may 1,200 na adult respondents.

Ayon sa SWS, ang net optimism ng Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay nanatiling nasa ‘excellent’, ngunit may ilang porsiyento ring ang bahagyang bumaba habang nanatiling ‘fair’ naman sa Visayas.

Samantala, bahagyang tumaas ang Mindanao mula sa ‘very high’ ay nakamit na nito ang ‘excellent’ kung ikukumpara sa naitala noong 2020 at 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter