Biyahe mula San Pablo, Laguna pa-Lucena, Quezon, magiging 30 minuto na lang

Biyahe mula San Pablo, Laguna pa-Lucena, Quezon, magiging 30 minuto na lang

MAGIGING kalahating oras na lang mula sa dating isang oras ang biyahe mula San Pablo, Laguna papuntang Lucena, Quezon.

Ito ay sa sandaling muling mabuksan ang PNR Lucena-San Pablo Line bago pa man ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa DOTr sa sandaling magbabalik ang operasyon ng naturang linya ng PNR muli nang makokonekta ang Metro Manila sa mga lalawigan sa Southern Luzon kasama na ang Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Sorsogon.

Inaasahang makatutulong din ito sa pagsigla ng ekonomiya at turismo sa mga nabanggit na lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter