ISANG pinaghihinalaang bomba ang na-intercept ng Philippine National Police (PNP) sa labas ng Cotabato City Central School.
Agad na rumesponde ang mga otoridad lalo na ang PNP-Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) group sa lugar.
Kalaunan, isang matandang lalaki ang kumuha sa mga bag at iginiit na hindi bomba kundi mga gamit niya ang laman nito.
Bagamat false alarm ang nangyari, mabilis naman ang responde ng security forces ng Cotabato City.
Nasa 5,000 pulis at dagdag multiplier ang naka-deploy ngayon sa Cotabato City para sa Barangay and SK Elections.
