CAAP, nakahanda na sa posibleng pagpasok ng Bagyong Betty sa bansa

CAAP, nakahanda na sa posibleng pagpasok ng Bagyong Betty sa bansa

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakahanda na ito sa posibleng pagtama ng Super Typhoon “Betty”.

Sa panayam ng SMNI News kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, aabot sa 9 na paliparan sa Northern Luzon ang naghahanda sa posibleng pagtama ng Super Typhoon Betty.

Matatandaan na una nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang dadaan ang bagyo sa Hilagang-Kanlurang bahagi ng Luzon sa Biyernes o Sabado ng umaga.

Kabilang sa mga airport na posibleng maaapektuhan ay ang paliparan ng Tuguegarao, Basco, Itbayat, Cauayan, at Palanan.

Bukod dito, naghahanda na rin ang mga paliparan sa Laoag, Vigan, at Baguio para sa posibleng malupit na kondisyon ng panahon.

 “Sa ngayon, tumulong ang CAAP Tuguegarao Airport sa paghahatid ng 1000 kahon ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) Region 2 sa pamamagitan ng C-130 aircraft mula Tuguegarao hanggang Basco Airport bilang paghahanda sa paparating na supertyphoon,” ayon kay Eric Apolonio, Spokesperson, CAAP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter