China, nagbigay ng 320 sewing machines sa Davao City LGU

China, nagbigay ng 320 sewing machines sa Davao City LGU

NAG-donate ang People’s Republic of China sa Davao City LGU ng mga sewing machine.

Katuwang dito ng China ang tanggapan ni Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Personal na inabot ni Davao Consul General Zhao Xiuzhen ang 320 sewing machines kay City Mayor Baste Duterte.

Ang mga makinang pantahi ay ibibigay sa mga mahihirap na residente ng buong Davao City.

Prayoridad na mabibigyan ang mga Indigenous People (IP) lalo na yaong mga nakatira sa masukal na bahagi ng siyudad.

Saad ni Rigo Duterte, na kinatawan si Rep. Duterte, malaking tulong ang donasyon ng China sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mabibigyan nito.

“These machines will be donated to our indigenous brothers and sisters in all city districts,” saad ng nakababatang Duterte.

Matatandaan na malaki ang paggalang ng China sa Davao City LGU.

Katunayan, may sister city agreements ang Davao sa ilang mga siyudad sa China tulad ng Nanning City, tanda ng malapit na ugnayan ng Pilipinas at Tsina.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter