China, nanawagan ng political settlement sa isyu ng Korean Peninsula

China, nanawagan ng political settlement sa isyu ng Korean Peninsula

NANAWAGAN ang China para sa political settlement sa Korean Peninsula at kinondena ang Estados Unidos sa probokasyon ng militar nito.

Binigyang diin ni Zhang Jun, Permanent Representative to UN ng China na ang bansa nito ay nananatiling tapat sa hangarin nitong denuclearization ng peninsula maging ang political settlement ng isyu roon sa pamamagitan ng dayalogo.

Ayon kay Zhang ang U.S. ay nakagawian nang magpataw ng sanction sa Pyongyang na nagdulot naman ng pagsubok sa bansa.

“Especially since the beginning of this year, the United States and other countries have carried out joint military drills on the peninsula at an unprecedented scale, conducting highly targeted and provocative exercise subjects. They issued the Washington declaration to strengthen ‘extended deterrence,’ going further down the road of military pressure. Such moves will only aggravate tensions and make matters worse. Reality has given answers,” saad ni Zhang Jun, China’s Permanent Representative, UN.

Hinikayat naman ng permanent representative ang Estados Unidos na gumawa ng mga makabuluhang aksiyon sa mga nais nitong iparating sa Pyongyang at Huwang maging hipokrito sa pagtawag ng dayalogo na hindi naman nito itinutuloy.

Matatandaan na nagsagawa ng test firing ang North Korea sa latest model nito ng Hwasongpho-18 intercontinental ballistic missile (ICBM), na tinagurian naman nitong core weapon system ng strategic force nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter