MAGSISILBI nang bagong coach ng Northport Batang Pier si Bonnie Tan.
Siya ang papalit kay Pido Jarencio bilang coach dahil magiging manager na ito ng Northport.
Si Tan ay dati na ring coach ng Colegio de San Juan de Letran.
Samantala, sa panig ng Letran, si Rensy Bajar naman ngayon ang magiging coach nito.