Computerized facial composite ng 2 suspek sa nawawalang sabungero, inilabas ng pulisya

Computerized facial composite ng 2 suspek sa nawawalang sabungero, inilabas ng pulisya

INILABAS ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang computerized facial composite ng dalawang suspek sa ‘secret’ cellphone video na sangkot sa pagdukot sa isa sa mga nawawalang sabungero.

Ayon sa PNP CIDG, ang isang lalaking suspek ay nasa 35 hanggang 40 taong gulang, may taas na 5’7 hanggang 5’8, malaki ang pangangatawan at may fair complexion.

Nakasuot din ito ng t-shirt, short pants at sumbrero.

Habang ang isa pang lalaking suspek ay nakilalang si alyas Dondon, nasa 45 hanggang 50 taong gulang, may taas na 5’6 hanggang 5’7, malaki ang pangangatawan, may fair complexion at nakasuot ng t-shirt at sun glasses.

Batay sa naturang video, nakita ang isang lalaki na nakaposas na kalaunan ay nakilalang si Michael Bautista.

Una nang sinabi ni PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee na mayroon silang “breakthrough” sa imbestigasyon sa mga nawawalang  sabungero sa Sta. Cruz, Laguna noong Abril 2021.

Follow SMNI NEWS in Twitter