DA, puro parusa ang hatid sa hog raisers —pork producers

PURO parusa ang ginagawa ng Department of Agriculture (DA) sa hog raisers at puro pabor sa importers at smugglers.

Ito ang binigyang-diin ni Pork Producers Federation of the Philippines Vice President Nicanor Briones Sa panayam ng SMNI News.

Imbis tulungan ani Briones ang mga magsasaka, magbababoy at iba pa, mas inirekomenda pa aniya ni DA Sec. William Dar na bigyan ng budget ang importers.

“Lahat ng ginagawa sa magsasaka, magbababoy, magmamanok – parusa. Pero gusto ni Sec. Dar, bigyan ng P17.6-B ang mga importers at smugglers. Magkaroon ng importation na P388-B tapos ang tariff niyan dapat 40%, ang kanyang nirerekomenda ay 5% lang. P17.6-B ang mawawalang buwis na dapat maitulong sa magsasaka, ayon kay Briones.

May napaulat pa aniya na pinuntahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga magbababoy para inspeksyunin kung nagho-hoard o nagtatago ito ng baboy kung saan sa tingin ni Briones, ay isang injustice.

Ayon pa kay Briones, isang temporaryong solusyon lang ang hatid ng price ceiling.

Hindi malayong magmamahalan na rin aniya ang presyo ng mga gulay at isda dahil sa kakulangan ng suplay bilang resulta sa pagsasarado ng mga tindahang nagbebenta ng karne ng baboy sa kawalan ng kita.

“’Di makakasunod ang mga retailers, traders, eh ‘di lilipat, magmamahalan at ‘yan eksakto ang nangyari. Ito’y temporaryong solusyon ang ginagawa nila na hindi naman kayang i-implement. Eh, sinasabi na natin ang mga dapat gawin, hindi naman tayo pinakikinggan. Unahin muna niya ang malaking problema sa asf. Kinakailangang matigil iyan,” ayon kay Briones.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.