ISINAGAWA ang isang matagumpay na Townhall meeting ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa Brgy. Mambuaya, Cagayan de Oro City, na dinaluhan ng daan-daang residente.
Ang event ay nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makilala si Pastor Quiboloy at maunawaan ang kanyang plataporma, partikular ang kanyang laban kontra korapsyon na isang isyu na malapit sa puso ng mga taga-lugar.
