Dagdag flights ngayong Kapaskuhan, tiniyak ng PAL

Dagdag flights ngayong Kapaskuhan, tiniyak ng PAL

TINIYAK ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang dagdag flights ngayong Kapaskuhan.

Sa kabila ito sa inaasahang pagdagsa ng mga mananakay ngayong ‘ber’ months.

Inihayag ni PAL spokesperson Cielo Villaluna sa SMNI ang dagdag flights nito simula ngayong ‘ber’ months.

Aniya, hindi lamang sa Manila maging sa Cebu hub.

Dagdag din ni Villaluna, natutuwa rin ang naturang airline sa naging pangako ni DOTr Secretary Jaime Bautista na mas pagbubutihin pa ang pasilidad ng mga paliparan na pinamumunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

Samantala, inihayag ni Villaluna na sagot ng gobyerno ng Pilipinas ang biyahe ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore.

Gayunpaman ayon kay Villaluna, para sa kumpanya ng PAL ito ay pribilehiyo at karangalan na sumakay ang Pangulo kasama ang First Lady at ang Philippine delegation.

Ilang dekada na rin ang nakararaan simula’t simula pa ang Philippine flag carrier na ang madalas na sakyan ng mga naging Pangulo ng bansa para sa kani-kanilang state visit.

Tumanggi namang ihayag ni Villaluna kung magkano ang bayad sa naturang chartered flight ni PBBM.

 

Follow SMNI News on Twitter