INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi ang mga agricultural lands sa lahat ng mga sumukong rebelde.
Ito aniya ay upang maging daan sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga kanayunan.
“The President told me to give the rebel-returnees government-owned lands (GOLs) and private agricultural lands (PAL). The DAR will recommend an executive order so that the agency can immediately comply with the President’s directive,” ayon kay DAR Secretary Brother John Castriciones.
Kinilala naman ng Pangulo ang kahalagahan ng ahensiya sa pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasaka at makilahok ito sa pagbisita ng DAR sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa malalayong lugar ng bansa upang mamigay ng mga lupa sa mga ito.
Kinilala naman ng Pangulo ang kahalagahan ng ahensiya sa pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasaka at makilahok ito sa pagbisita ng DAR sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa malayong lugar ng bansa upang mamigay ng mga lupa sa mga ito.
“The President told me that he would join DAR in the distribution of certificates of landownership award (CLOAs) starting this March, identifying Cagayan de Oro, Eastern Samar, Quezon, Masbate, Negros, Capiz, Negros Oriental, Abra, Isabela and Bicol as some of the provinces he wanted to visit immediately,” ayon kay Castriciones.
Nangalap naman ng suhestyon si Castriciones mula sa mga opisyal ng DAR kung ano ang epektibong gawin upang maisagawa ang direktiba ng Pangulo.