DBM inaprubahan ang 4,000 bagong posisyon para sa PCG

DBM inaprubahan ang 4,000 bagong posisyon para sa PCG

INAPRUBAHAN ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang paglikha ng 4,000 uniformed positions para sa Fiscal Year (FY) 2024, na binubuo ng 819 na officers at 3,181 non-officers, ng PCG.

Layunin ng paglikha ng mga karagdagang posisyon na palakasin ang PCG upang magampanan ang mga tungkulin nito, kabilang na ang maritime safety administration, marine environmental protection, maritime security and law enforcement, at maritime search and rescue.

“This significant development will surely boost the operational capabilities of our brave men and women in the Philippine Coast Guard. Mahalaga ang gampanin nila sa pagprotekta sa seguridad ng bansa at pag-agapay sa mga kababayan natin tuwing may kalamidad o sakuna. That’s why we are one with them in building a more resilient and responsive PCG workforce,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Bukod sa pagresponde at pagtulong sa mga sakuna, tungkulin din ng PCG na palakasin ang pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa West Philippine Sea upang protektahan ang teritoryo ng Pilipinas laban sa anumang pang-aabuso at paglabag ng mga dayuhang barko.

Bilang bahagi ng Bagong Pilipinas na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinaiigting ng PCG ang mga pasilidad at operasyon nito upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino.

Ang kahilingan ng PCG na magkaroon ng 4,000 posisyon ay bahagi ng target ng ahensiya para sa taong 2024 sa ilalim ng kanilang 7-year Recruitment Plan.

Ang nasabing Recruitment Plan, na may kabuuang angkop na bilang na 37,869 na posisyon na naka-distribute batay sa pyramidal organization structure ng PCG, ay nakatakdang ipatupad hanggang FY 2026.

Isinasaalang-alang sa implementasyon na ito ang kinakailangang capacity building ng mga unipormadong tauhan ng ahensya at mga pangyayari kamakailan lang sa maritime sector, dito at sa ibang bansa.

Ang paglikha ng mga nabanggit na posisyon ay magpapataas sa bilang ng tauhan ng PCG sa 34,430 mula sa kasalukuyang 30,430 na awtorisadong posisyon.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Philippine Coast Guard – Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble