NANAWAGAN si Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Almario sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang deadline ng SIM registration.
Batay sa schedule ng ahensiya, matatapos ang SIM registration sa April 26 at walang deadline o extension na ibibigay rito ang gobyerno.
Ngunit saad ni Almario, pwedeng igiit ng DICT ang Section 4 ng Republic Act No. 11934 o ng SIM Registration Act.
Nakasaad sa probisyon ng batas na maaari pang bigyan ng 120-day extension sa SIM registration.
Kaya sa August 24, 2023 na ang deadline nang mas marami ang maka-comply.
“Ensuring that a wider expanse of SIM card users is aware of the benefits of this law will fast-track its successful implementation, curb wireless technology-aided criminal activities, and, ultimately, promote public safety,” ani Almario.
Sa ngayon, nasa 36.79% pa lamang sa mga Pinoy ang nakapag-comply sa SIM registration ilang linggo bago ang deadline.