DFA, naghain ng diplomatic protest laban sa ipinalabas na fishing ban ng China sa South China Sea

DFA, naghain ng diplomatic protest laban sa ipinalabas na fishing ban ng China sa South China Sea

NAGHAIN ng panibagong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China kaugnay sa ipinatupad nitong fishing ban sa South China Sea kabilang ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Sinabi ng DFA, ang Pilipinas lang ang may sovereign rights sa lahat ng living resources sa loob ng EEZ.

Batay na rin sa 2016 Arbitral Award, labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea ang hakbang ng China na apat na buwan fishing ban.

Bukod dito, patataasin rin ng naturang hakbang ng China ang tensyon sa WPS dahil salungat ito sa kasunduan sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr. at Chinese Pres. Xi Jinping na pababain ang tensyon sa karagatan.

Nanawagan ang Pilipinas sa China na itigil at iwasan ang pagsasagawa ng mga iligal na aksyon na lumalabag sa sovereign rights at jurisdiction ng bansa.

May 1 ng magsimula ang fishing ban ng China na tatagal hanggang sa September 16 ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter