DOJ, hindi pabor na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

DOJ, hindi pabor na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

HINDI pabor ang Department of Justice (DOJ) na humiwalay sa Pilipinas ang Mindanao.

Sa isang pahayag, labag anila ito sa 1987 Constitution kung kaya’t mananatili silang kaisa sa magtatanggol sa soberanya ng bansa alinsunod sa batas.

Maliban sa DOJ ay tutol din ang National Security Council (NSC) at Department of National Defense (DND) sa ideyang ito.

Si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabi sa mungkahing humiwalay na lang sa Pilipinas ang Mindanao.

Iginiit ni FPRRD na hindi isang rebellion ang pahayag niyang magsarili ang Mindanao dahil kung sakali namang mangyari ay gusto nila na sa mapayapang paraan ito isagawa tulad nang humiwalay ang Singapore noon sa Malaysia.

Ang Singapore ngayon ay isang first world country habang nananatiling third world ang Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble