Paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ng National Security Council

Paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ng National Security Council

TINUTUTULAN ng National Security Council (NSC) ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihiwalay na ang Mindanao mula sa Pilipinas.

Sa pahayag ni National Security Adviser Eduardo Año, gagawin ng lahat ng gobyerno para hindi mahahati ang bansa.

Nanawagan din si Año sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga nais na guluhin ang pinaghirapang kapayapaan at kaunlaran sa bansa partikular na sa Mindanao.

Binigyang-diin din ni Año na kailangan ding bantayan ang komprehensibong proseso para sa kapayapaan na nagresulta sa pagtatapos ng ilang dekadang giyera sa Mindanao.

Una na ring tinutulan ng NSC ang rekomendasyon ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Giit ni Año, makikita na ngayon na nagbago na ang buong Mindanao patungo sa isang rehiyon na maunlad, matatag, at puno ng pag-asa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble