Tinapos na ng Department of Science and Technology (DOST) ang 2026 DOST Scholars Leadership Camp sa National Capital Region (NCR), kung saan NCR Batch 3 ang huling grupong lumahok sa programa ngayong taon.
Layon ng camp na turuan ang mga iskolar na maging mahusay na lider at gamitin ang kanilang kaalaman sa pagtulong sa kapwa.
Kabilang sa mga sumali ang mga DOST Patriot Scholars mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila, gaya ng UST, DLSU, PUP at FEU.
Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, hinahanda ang mga mag-aaral na maging responsableng lider at maging aktibo sa kanilang mga komunidad.
Bagama’t natapos na ang programa para sa mga college scholars ngayong 2026, inaasahang isasabuhay nila ang kanilang mga natutunan sa paglilingkod sa bayan.
