Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 61 OFWs mula Saudi Arabia na naapektuhan ng kaguluhan, at agad na nakatanggap ng tulong pinansiyal at iba pang serbisyo mula sa Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Tiniyak din ng pamahalaan ang patuloy na suporta sa pamamagitan ng livelihood assistance at skills training upang matulungan silang makapagsimula muli.
Isinagawa ang repatriation sa koordinasyon ng Philippine Embassy, Migrant Workers Office, at OWWA-Riyadh sa ilalim ng UPLIFT initiative.
Para sa tulong at iba pang serbisyo, maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW sa pinakamalapit na Migrant Workers Office (MWO) o Philippine Embassy, o tumawag sa 24/7 DMW-OWWA Hotline 1348.
