DOTr, dapat maingat sa kanilang mga pahayag hinggil sa NAIA glitch –Sen. Tolentino

DOTr, dapat maingat sa kanilang mga pahayag hinggil sa NAIA glitch –Sen. Tolentino

MAGANDANG dahan-dahan at maingat sa kanilang mga pahayag ang Department of Transportation (DOTr) hinggil sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong January 1, 2023.

Kung babalikan ang mga inilabas na statement ng DOTr, sinabi ni Senator Francis Tolentino sa panayam ng SMNI News na una nang nasisi ng ahensya ang Meralco.

Pinabulaanan naman ng Meralco ang sinasabi ng DOTr.

Ilang araw matapos ang NAIA glitch ay sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na outdated at sira ang Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) system na binili ng administrasyong Duterte.

Subalit ang nangyari pala ay nai-plug ng airport technicians ang 220-volt system nito sa isang 380-volt power line kung kaya’t nasira ito.

Ayon naman kay dating DOTr Usec. Ochie Tuazon ng Duterte admin, may kakulangan din sa pagmimintana ng U.P.S. o Uninterruptible Power Supply kung kaya’t nasira ito.

Magugunitang sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang pagkawala ng kuryente ng CNS/ATM system ay dahil sa problema ng electrical network nito sa sariling UPS.

Follow SMNI NEWS in Twitter