Nagsanib puwersa ang DPWH Metro Manila 1st, at Metro Manila 2nd, at south Manila District Engineering Office sa clearing operation na isinagawa sa redemptorist water channel sa Barangay Baclaran, Paranaque City nitong Agosto 11, 2026.
Agad na kumilos ang DPWH maintenance crew para linisin ang mga nakabarang basuran sa mga daluyan ng water channel na sanhi ng pagbaha.
Mahigit sa 60 at ilang kagamitan ng ahensiya ang ipinadala upang mabilis na matapos ang operasyon.
Patuloy naman ang paalala ni Sec. Vince Dizon sa publiko na makipagtulungan sa mga LGU na paigtingin ang disiplina sa wastong pagtatapon ng basura.
Hindi naman umano titigil ang ahensiya sa pagsasagawa ng tuloy-tuloy na flood mitigation at intervention measures upang maibsan ang pinsalang dala ng pagbaha.
