Drug den sa Tuguegarao City, nalansag ng PDEA

Drug den sa Tuguegarao City, nalansag ng PDEA

Nalansag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug den sa Tuguegarao City, sa buy-bust operation sa Barangay Cataggaman Nuevo noong Nobyembre 21, dakong alas-5:55 ng hapon.

Tatlong pinaghihinalaang drug personalities ang naaresto sa nasabing operasyon na pinangunahan ng PDEA Isabela Provincial Office, kasama ang iba pang police unit.

Kinilala ang mga naaresto sa mga alias na Mar, 46 anyos, isang mekaniko; Borgie, 42 anyos, isang driver; at Eddie, 44 anyos, isang pintor.

Nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang 8.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱58,480, kasama ang buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap naman ang tatlong suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter