Cooper Flagg, nagpanalo sa Mavericks vs. Jazz sa huling Segundo

Cooper Flagg, nagpanalo sa Mavericks vs. Jazz sa huling Segundo

Nagtala ng game-high 28 points si Cooper Flagg para pangunahan ang Dallas Mavericks sa ikatlong sunod na panalo matapos muntik nang masayang ang 16-point lead laban sa Utah Jazz.

Rumatsada ang Utah sa fourth quarter sa pangunguna ni Svi Mykhailiuk, na nagtala ng 23 points sa period para itabla ang iskor sa 114-all.

Sa natitirang tatlong segundo, nakakuha ng foul si Flagg at naipasok ang dalawang free throws para iselyo ang panalo, matapos sumablay ang huling three-point attempt ni Kyle Filipowski.

Nagtala si Mykhailiuk ng career-high 39 points, kabilang ang 10 three-pointers, habang nagdagdag si Kyrie Irving ng 16 points at eight assists para sa Dallas.

Follow SMNI NEWS in Twitter